pipiglas.


Mahigpit ang kapit sa dibdib
Masaklap ang suntok sa dingding
Mabigat ang paglanghap ng hangin
Nalulunod, nalulunod, nalulunod.

Nauupos na kasiyahan
Naguguluhan sa sariling kaisipan
Nakagapos sa karimlan
Nahuhulog, nahuhulog, nahuhulog.

Nangingig sa dampi ng tubig
Nahihikbi sa hamon ng liwanag
Itutulak ang sarili papalayo
Tatakbo, tatakbo, tatakbo.

0 comments:

Post a Comment